This is a personal blog where I can express my real feelings, emotions, thoughts, opinions about myself and life itself, in Tagalog, Bisaya or Taglish. I apologize to those who cannot understand but everybody is welcome to comment. Thanks a lot!
Monday, October 13, 2008
PR? What the heck is that?
Sunday, April 13, 2008
No time for self-pity .....
Sunday, March 30, 2008
Dyok Time!
HONEYMOON:
Wife: Hon wag mo ako bibiglain ha? I'm still a virgin!
Husband: You mean ako ang una?
Wife: Yes, do it na
Husband: I did it na, kanina pa!!
Wife: ah ganon ba? Aray pala!
Ama: Buntis anak ko, panagutan mo!
BF: May asawa na po ako!
Ama: Pano 'to?
BF: Areglo na lang po... 2 M pag Boy, 2.5M pag Girl
Ama: Ok, pero pag nakunan. GIB HER ANADER CHANS ha?
Misis: lolokohin ko mister ko, magpapanggap ako na prosti dito sa kanto namin (dumaan ang mister nya...)
Misis: Pogi! available ako ngayon, pwede ka ba?
Mister: Yoko sayo kamukha mo misis ko!Hurmph
FACT: did you know that those people who laugh with "hehe" loves sex and people who laugh with "haha" are intelligent?...wala lang, just to let you know. hehe...Ay, haha pala!
Maid: Sir sinong mas yummy? si mam ba o ako?
Sir: Syempre naman ikaw day! bakit?
Maid: Naguguluhan lang po kasi ako eh... sabi kasi ng driver, eh mas yummy daw talaga si mam!
Wife: Dear, ano regalo mo mo sa 25th Anniversary natin?
Husband: Dalhin kita sa Africa ...Wife: Wow! How sweet naman... eh! sa 50th Anniversary natin?
Husband: Susunduin na kita!
A Husband came home 4AM and saw his wife in bed with another man His wife shouted at him, "Where have you been?"
Husband: "Who is that man?!?"
Wife: "Grabe ka! Dont change the topic!!"
BUS HINOLDAP!
Holdaper: re-reypin ko lahat ng babae dito!
Prosti: ako na lang po, maawa kayo sa iba..
Lola: Sinabi na ngang LAHAT eh! sasagot pa! gagang 'to!
Dalawang probinsyano sumakay sa elevator
Gorio: magkano ibabayad natin?
Andoy: tanga! inosente! bugok! stupid! bat ka magbabayad eh wala pa tayong tiket!
Love is a hidden fire, a pleasant sore, a soothing pain, an agreeable torment, a sweet wound, in short - a gentle death! ang lalim! shet! dati Love is blind lang eh!
Mister: Di ko na kaya problema ko!
Misis: Hon, problema natin ito, tayo ang magkasama sa buhay, lahat ng problema mo problema ko... ano problema natin?
Mister: nabuntis natin si Inday, tayo ang ama!
Pedro: Pare bakit malungkot ka?
Juan: Asawa ko nag hire ng driver, Gwapo, Bata, Macho!
Pedro: Nagseselos ka?
Juan: Nagtataka lang ako kasi wala naman kaming sasakyan!
Anak: Itay, bibili ako ng bang paper
Itay: Anak, wag kang bobo ha? hindi "bang paper"ang tawag dun!
Anak: Ano po ba?
Itay: "Kokongban"
Women are physically stronger than men...Why? Because women can carry two mountains at a time! while men can carry only two eggs...Take Note! with the help of a bird pa!
Ang buhay parang gulong....Wala parang gulong lang...Gusto mo parang bubong?... e di sige
Ang buhay parang bubong...
Madre: Father, tell your seminarian not to urinate along the fence...
Father: Sister naman, maliit na bagay lang papansinin mo pa...
Madre: No Malalaki, Father.. Malalaki!
Alam mo ba kung bakit may sabaw ang balot? Kung Ikaw kaya ang ikulong sa shell... saan ka ji-jingle? Aber? Saan?? Sumagot kaaaa!!! SaaaAANNNNNNN ?!?!?!
Pare 1: Pare, sa wakas nag ka GF na rin ako!!
Pare 2: Bakit!?! Ngayon ka lang ba nagka GF?
Pare 1:OO pare! sobrang higpit kasi ni Misis eh! Ngayon lang ako nakalusot!
Bisaya 1: " Gara ng kutsi, siguro kay Miyur iyan."!
Bisaya 2: " Dili bay!"
Bisaya 1: " Kay Hipi?"
Bisaya 2: " Tuntu ka man. Kay FATHER iyan. Gisulat niya sa likud o,"'SAFARI'. "
Misis: " Sir, mananawagan po sana ako sa mister ko kasi dinala Niya ang limang anak namin."
Radio Host: " Ok, go ahead!"
Misis: " Honey, ibalik mo na ang mga bata, isa lang naman ang sa Iyo diyan!"
WIFE: Himala! aga mong umuwi ngayon.
HUSBAND: Sunod ko lang utos ng boss ko. Sabi nya "GO TO HELL", Kaya ito uwi agad ako.
Pedro: Kumustang bagong nanalo sa lotto?
Juan: Eto, inaway ng misis ko
Pedro: Bakit?
Juan: Bday ng asawa ko kahapon, tanong ko siya ano gusto niya regalo
Pedro: ano naman sinabi?
Juan: Kahit ano basta mayDIAMOND.
Pedro: ano binigay mo?
Juan: BARAHA!
Sino mas kawawa? yung taong iniwan ng mahal nya? o mga taong nagmamahal ng walang gusto sa kanya? pareho lang di ba? pero mas kawawa yung taong... bihis na bihis na tapos... hindi naman pala kasama!
Sunday, March 23, 2008
Pang alis ng Lumbay! (Part 2)
"Luv, tnx sa padala mo, hapi c nene kasi tobleron ang baon sa skul. ung nike suot na ni jr. next tym wag ka na padala NIVEA MILK. di nila type pait daw, ako tloy ang umubos."
************ ********* ********* **
MISTER: ano ang pagkain natin?
MISIS: nasa mesa, bahala ka na pumili!
MISTER: isang pirasong tuyo? ano pagpipilian ko?
MISIS: pumili ka kung kakain ka o hindi!
************ ********* ********* ***
IDD call from US:
HUSBAND: hon musta ang tindahan?
WIFE: dept store na!
H: ang tuba-an?
W: KTV bar na!
H: and mga trickad?
W: taxi na!
H: ang dalawa kong anak?
W: LIMA na!
************ ********* ********* ***
sweethearts watchin' da sky...
GUY: ano ang horoscope mo?
GIRL: anong huruskup?
GUY: yung bang kapalaran mo, katulad ko, CANCER.
GIRL: ah, sa akin ALMURANAS!
************ ********* ********* ***
TITSER: who can make a sentence then translate it in tagalog?
PUPIL: my titser is beautiful, isn't she?
TITSER: very good, translate it in tagalog.
PUPIL: ang guro ko ay maganda, maganda nga ba?
************ ********* ********* ***
DONYA: bilang bagong katulong, tandaan mo na ang almusal dito ay alasais empuntu!
MAID: wala ng problema donya. kung tulog pa ako sa oras na yun, mauna na kayong mag almusal!
************ ********* ********* ***
SAYINGS TO LIVE BY:
1. birds of the same feathers, are the same birds
2. do not do unto others what you can't do
3. an apple a day is not an apple at night
4. when the cat is away the mouse is alone
5. if others can do it, don't help
6. tell me who ur friends are and i'll tell u mine
7. early to bed and early to rise makes you sleepy In the afternoon
8. ang ilog na tahimik ay malalim, ang ilog na maingay may naglalaba!
Pang alis ng Lumbay! (Part 1)
Pag Americano umutot: EXCUSE ME!
Pag British naman: PARDON ME!
Pag Espanol: EXCUSAR POR QUE UTUTAR!
Pag Pinoy: Di ako yun! Mama tay na ang umutot
MRS: sa palagay mo, mahal, ilang taon na ako?
MR : kung titingnan kita sa buhok 18 ka lang; kung nakatalikod 16 lang, kung sa kutis 22 lang.Bale total ay 56 sweetheart.
DUCK DICTIONARY
maliit na duck- "panduck"
tirahan ng maliit na duck- "Pandacan"
mataas na duck- "boonduck"
nagulat na duck- "nasinduck"
photogenic na duck- "kodak"
malaking duck sa Ilocos- "duck-il"
madaldal na duck- "dakdak"
pantakip sa bibig ng madaldal na duck- "duck tape"
manggagamot na duck- "ducktor"
musikero na duck- "conducktor"
ERAP Erap went to Starbucks...
Erap: isang kape nga!
Waiter: decaf po ba?Erap: (mad) aba syempre, alang an naman de plato!
Tumatakbo si ERAP galing computer room na sinusundan ng staff:"Sir bakit ka tumatakbo?"
Erap: Tatakas ako, sabi kasi ng computer 'press Ctrl then Escape'.
Erap: Pareng Ronnie, akyat ka sa puno, pisilin mo bunga kung hinog na.
FPJ: (umakyat at pinisil ang bunga) Oo pare hinog na.
Erap: sige baba ka na sungkitin natin.
FVR: Erap may gift ako para sa'yo galing pa sa India !It's a 10 ft.snake.
Erap: Ows! Niloloko mo naman ako eh, 10 ft? Hoy di ako ganon ka tanga! Ang snake walang FEET!
Erap delivering speech at the mental hospital.
Inmates shouting: Mabuhay si ERAP!
PSG seeing one guy not cheering: Bakit di ka sumabay sa kanila?
Guy: Di ako sira ulo. Janitor ako!
Spanish teacher: Class use 'fuera' in a sentence.
Student: Mis maestras son bonitas (my teachers are beautiful).
Teacher: Oh, that 's very flattering but where's 'fuera'?
Student: Fuera ka!
PERFECT HEAVEN: Having American salary, British home, German car, Chinese food, and Pinoy wife!
PERFECT HELL: Having Korean car, British wife, German food, American home and Pinoy salary!
Mare 1: Naku mare, ang gaganda ng mga anak mo!
Mare 2: Talaga, mare! Hay naku kung asawa ko lang ang inasahan ko hindi sana mangyayari yan!
Saturday, March 22, 2008
Joke for the Day
REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect, ano na po ang next step ninyo?
POLICE: DNA na...
REPORTER: Sir, ano po yung DNA?
POLICE: "Di Namin Alam."*
MAN 1: Away kami ni misis, nag-Historical siya.
MAN 2: Pare, baka ang ibig mong sabihin ay nag-Hysterical.
MAN 1: Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!"
Naglalakad ang mag-ama, nakakita ng eroplano.
ANAK: 'Tay! Krus! Ang laking krus!
TATAY (Binatukan ang anak): Nakita mo nang krus eh! Lumuhod tayo!"
BOY: 'Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
NANAY: Ba't mo naman nasabi?
BOY: Ini-announce kasi kanina 'yung top one sa klase. Ang tinuro ni Ma'am yung katabi ko. Muntik na ako!
Bush visited the Philippines and Erap acted as his translator.
BUSH: Let's help one another.
ERAP: Tayo'y magtulungan.
BUSH: Let's strive together.
ERAP: Tayo'y magsikap.
BUSH: Because in union there is strength.
ERAP: Dahil sa sibuyas may titigas!
BONGBONG: Pare, sinong idol mo?
CHAVIT: Si Arnold Schwarzenegger.
BONGBONG: Sige nga, spell Schwarzenegger.
CHAVIT: Joke lang, pare, si Jet Li talaga idol ko.
HOLDUPER: Pili ka, wallet mo o pasabugin ko utak mo?
BIKTIMA: Ikaw na bahala, basta pareho po 'yan walang laman!
Sa isang mumurahing airline.
STEWARDESS: Sir, would you like some dinner?
PASSENGER: Ano ba ang mga choices?
STEWARDESS: 'Yes' or 'No' lang po.
TEACHER: Anong similarity nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy Aquino at Apolinario Mabini?
STUDENT: Ma'am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay pinanganak ng holiday!
ERAP: Soli ko 'tong nabili kong DVD.
FPJ: Anong problema?
ERAP: Walang picture, 'tsaka sound. Sayang, suspense thriller pa yata to.Tsk, tsk...
FPJ: Anong title?
ERAP: The Lens Cleaner.
PROMDI: 'Lam ko promdi lang ako kaya 'wag mo kong lolokohin! Bakit ganito ang kwarto ko? Maliit, wala pang kama at bintana...ha? !
ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo...
MRS: Bakit ngayon ka lang?
MR: Pasensha na, nagyaya ang mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe!Hik.
MRS: Lasing ka 'no?
MR: Ako, lashing? Hindi! Hik.
MRS: Anong hindi?! 'La ka namang trabaho, paano ka nagka-officemates?
JUN-JUN: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng titser namin kanina!
INAY: Very good! Ano ba ang tanong ng titser ninyo?J
UN-JUN: Sino ang walang assignment?
TITSER: Ano ang hugis ng mundo?
JUAN: Kuwadrado po, Ma'am!
TITSER: Hindi! Ang mundo ay bilog.
JUAN: Pero Ma'am, sabi ng lolo ko, narating na niya ang APAT na sulok ng mundo. May sulok po ba ang bilog?
Boss asks sexy secretary to a dinner after overtime. Are you free tonight? The sexy secretary replies: Sir, ha...huwag naman FREE... Bibigyan na lang kita ng discount!
GIRL: Maganda ba 'ko?
BOY: Oo, kaya lang, Bumbayin ka.
GIRL: Hindi naman ako mukhang Bumbay, ah?! Tisay yata 'to!
BOY: Oo nga, pero 'yung amoy mo, Bumbayin!
ELISEO: Sobra na talaga ang katangahan ng kumare mo. Ang akala niya, ang Lawsuit ay uniporme ng pulis!
JOSHUA: Sus! Tanga nga! Eh di ba, uniporme ng abugado yun?!
HOST: Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
TANDA: Pwede ho bang manawagan?
HOST: Ilang taon na po kayo?
TANDA: 98 anyos na po ako.
HOST: Wow! Ang tanda nyo na pala! O sige po, manawagan na kayo.
TANDA: Itay, umuwi na kayo! Hindi na nagagalit si Lolo sa inyo!
Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, sinabi ng pari patungkol sa namatay, ...."An honest man, a good man, a family man," etc.Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, "Pakisilip nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!"
Sa isang ospital.
LOLA (may cancer): Doc, anong gagawin 'nyo sa akin?
DOC: Che-chemo, Lola.
LOLA: Titi mo rin! Bastos ka! Walang modo!
Saturday, March 15, 2008
Confident daw o!
Pagkatapos ko mapanood ito, ito lang nasabi ko, "Oh my God!" Grabe na to! Sabi nya confident daw sya, di ako naniniwala jan, pa etcheng lang yan! Di ko naman sinasabing mas magaling ako mag inglis sa kanya kasi kahit sino siguro nenerbyosin sa ganyan, baka pag ako nandon, wala na akong masabi pa! Kaya nga di ako nagsasali sa ganyan e, LOL! Sabi naman ni Melanie, "don't judge Janina, she is not a book!" Ano sa palagay mo?
Wednesday, March 12, 2008
Joke Lang Po!
VARICOSE VEINS
LACOSTE
I LIKE THE WAY YOU THINK
LATE
PASSWORD
ROLE MODEL
KIDLAT
DIRTY OLD MEN
MANANAWAGAN RADIO
BISHOP'S ADVICE
BISHOP'S LAST WISH
HEALING SESSION
JAPANESE FOOD
SENIOR CITIZEN
ESSAY
BABALA
ANG HIRAP
Sunday, March 9, 2008
Its dyok taym!
Mister: Kung gagawa ako ng pelikula, gusto ko, ako si ZORRO!
Misis: E ako, sino?
Mister: Si DACOS!
Misis: Dacos? Sino 'yun?
Mister: DACOS of all my ZORROs!
Job interview:
Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng Misis niyo, at kung saan nakatira ang kabit niyo.
Boss: Tanggap ka na!
Tomas: Sobrang tabatsoy ang misis ko, kaya gusto niyang magbawas ng timbang. Nag-horseback riding siya...
Jorge: Ano'ng resulta?
Tomas: Nabawasan ng sampung kilo 'yung kabayo!
Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.
Dalawang holdaper sa bangko:
Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa math.
Abangan na lang natin sa balita kung magkano!
Pasyente: Okey ba ang services sa ospital na ito?
Doktor: Oo naman. Sigurado 'yon.
Pasyente: Paano kung hindi ako satisfied?
Doktor: Ibabalik namin ang sakit mo.
3 tanga nagsisiksikan sa maliit na **kama**:*
TANGA1: Pare, di tayo kasya. Bawas tayo ng isa, sa lapag na lang matulog.
(Bumaba si Tanga 1.)
TANGA2: Ayan, pare maluwag na, akyat kana dito!
************ ********* **
Dear Dodong, Sa susunod anak, Nido non-fat na lang ang ipadala mo sa tatang mo.
Nasisira kasi ang tiyan niya sa pinadala mong Nivea Moisturing Milk...
Nagmamahal, Nanay
************ ********* **
ANAK: 'Tay , penge ng pera. May project kami. Bibili ako ng "cocomban".
TATAY: no ka ba naman. Hangga ngayon "cocomban" pa rin ang tawag mo!
ANAK: Ano po ba ang tama?
TATAY: Bomb paper!
************ ********* ********* **
MISIS: Dear, iligaw mo nga tong pusa. Nakasako na.
Dalhin mo sa malayo!
MISTER: Ok!
MISIS: Bakit ka ginabi? Niligaw mo ba ang pusa?
MISTER: Bwisit na pusang yan! Kundi ko siya sinundan, di ako nakauwi!
************ ********* ********
PEDRO: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid.
Grabe ang linaw ngayon nang pandinig ko!
JUAN: Wow, galing! Magkanong bili mo sa hearing aid?
PEDRO: Kahapon lang!
************ ********* ********* ******
At a funeral...
ERAP: Tara na, Jinggoy. Alis na tayo!
JINGGOY: Kararating pa lang natin a!
ERAP: Naku mahirap nang maiwan.
Basahin mo o: "REMAINS WILL BE CREMATED."
************ ********* ********
Tanga 1: Ano bang hinahanap mo diyan sa supot ng 3-in-1 coffee.
Kanina ka pa silip nang silip diyan.
Tanga 2: Hinahanap ko yung libreng asukal.
Nakasulat kasi sa karton "SUGAR FREE."
************ ********* *******
JUAN: Pare, ang bilis kong nabuo 'tong puzzle!
PEDRO: Talaga? Gaano kabilis?
JUAN: 5 months!
PEDRO: Tagal naman!
JUAN: Tagal ba 'yun? Nakalagay nga dito: "for 3 years & up"!
Dyok for the day... (part 2)
HENRY SY: 1/2 Pinoy, 1/2 Chinese.
LITO ATIENZA: 1/2 Hawaiian, 1/2 Polo.
MIKE ARROYO: 1/2 Pinoy, 1/2 pork.
JOHN OSMENA: 1/2 Pinoy, 1/2 Pinay.
PROSPERO PICHAY: 1/2 Unggoy, 1/2 gulay.
GMA: 1/2 ... only.
SA OSPITAL.....
WIFE: hon, nahirapan ako huminga.
HUSBAND: kung nahirapan ka ng huminga, itigil mo na.
GF: magaling! At sino tong baby na nagtext sayo?
BF: ah eh kumpare ko yun! Lalake yun! Baby lang palayaw.
GF: oh eto replyan mo. Hindi daw kayo tuloy at may mens daw ang tarantado!
INA: anak, tawagan mo nga tatay mo sa celfon. Pauwiin mo dito.
[pagkatapos tawagan.] ANAK: nay, babae po ang sumagot.
INA: lintik, sinasabi ko na nga ba, may tinatago yang tatay mo eh! Anong sabi?
ANAK: 'you only have zero pesos in your account...' hindi ko na tinapos nay mukhang matapobre.
nagbubungkal ng lupa si Erap para magtanim. Akala ng nakakita niloloko lang siya dahil wala naman siyang tinatanim.
BANTAY: sir, wala naman kayong tinatanim ah.
ERAP: bobo! Seedless to!
ANAK: nay, ano po ba yung 10 commandments?
NANAY: yun yung sampung utos ng Diyos.
ANAK: mas makapangyarihan pa po pala kayo sa Diyos eh!
NANAY: bakit?
ANAK: ang dami niyong utos eh!
thought to ponder:
hindi kaya ang dahilan ng pagbaha sa panahon ni Noah ay pinutol niya lahat ng puno para gumawa ng napaka laking arko? ano sa tingin mo?
PEDRO: niloko ko yung tindera kanina.
JUAN: paano mo naman niloko yung tindera?
PEDRO: nagpaload ako eh wala naman akong celfon.
kung totoo ang ' Darwin 's theory of evolution' na ang tao ay nagmula sa unggoy, bakit may mga taong mukhang kabayo?
DORAY: mare, kulang pa kami ng isang miyembro. baka gusto mong sumali sa paluwagan.
PINANG : hindi pa ako pwede, mare.
DORAY: bakit mare? ang saya nga nun eh.
PINAY: virgin pa kasi ako.
Si Erap nakabasag ng vase sa Museum, yung attendant nataranta.
ATTENDANT: naku sir, more than 500 years old na po yang vase.
ERAP: hay salamat. Akala ko bago
Dyok for the day... (part 1)
Sa Math Class...
Teacher: Banong, kung meron akong 1 piraso ng karne at hinati ko ito, ilang piraso na?
Banong: 2 po mam!
Teacher: At kung hinati ko pa pareho?
Banong: 4 na piraso po!
Teacher: Hinati ko ulit.
Banong: 8 piraso po.
Teacher: Hinati ko pa.
Banong: 16 po mam.
Teacher: Hinati ko pa?
Banong: 32 piraso na po!
Teacher: Kung hinati ko ulit?
Banong: 64 po! (nakangiti)
Teacher: At hinati ko pa? 2 beses ko pang hinati?
Banong: Ay susmaryosep mam! GINILING na po! GINILING!!!
Imagine if all straight guys are talking in gay lingo.
STUDENT: bakit di mo chinuva yung girlalu? Malaki naman ang susey ng lola mo ah.
HUNK: Winnie cordero nga dude sa susey, Melanie marquez naman sa brainwaves. Wit na.
Jaworski while coaching: keber sa kalaban! Just focus! We cannot afford to luz valdez ! Getlakin niyo yung last freethrow! Windangin yung mga julaban!
Ok! Go for the gold to the highest level mga chorva! Gow lang! gow lang ng gow!
SA BAKERY
Pulubi: Palimos po ng cake.
Ale: Aba , sosyal ka ah! Namalimos ka lang, gusto mo pang cake.. eto pandesal!
Pulubi: Duh! Ate?! Bday ko kaya today?!?
ANAK: Tay mag-ingat kayo sa DANKTRAK!.
TATAY: ano ung danktrak?
ANAK: Yunn pong trak na 10 ang gulong na karga buhangin?
TATAY: Tanga inde danktrak un...TEN MILLER!!!
Honeymoon..
BRIDE: Kinakabahan ako. Baka di ko makaya.. Parang natatakot ako.
GROOM- Kaya mo ito. Di ba dati may alaga kang ahas?
BRIDE- Oo nga, pero takot talaga ako sa UOD!!
BOY: Wala akong kwentang anak para sa inyo! Lahat ng ginagawa ko puro mali !
Lagi nalang ako mali !!! Di 'nyo na ako mahal!
AMA: Nagkakamali ka anak?
BOY: Shet! Mali na naman ako!!!
JUDGE: Ano ba talaga nangyari?
ERAP: ? (di nagsasalita)
JUDGE: Sumagot ka sa tanong.
ERAP: Naman eh!!! Kala ko ba hearing lang to??? Bakit may speaking?
NARS: doc, bat tinanggihan nyo yung pasyente?
DR: alin, yung bakla?
NARS: opo. Baka sabihin namimili tayo, porke bading siya.
DR: ano naman raraspahin ko sa kanya?
FROG: what does my future hold?
FAIRY: you'll meet someone who wants to know everything about you.
FROG: great! Will I meet her in a party?
FAIRY: no. in biology class
Things you don't want to hear during your own surgery:
-san yung gunting na bago? Bat may kalawang to?
-10ml? may nakasurvive na ba dyan? Sabi ko 5ml lang!
-doc, ubos na po pala yung anesthesia.
-kanina pa bukas yung tiyan, asan yung pantahi?
-sunog! Sunog! Labas lahat!
inspiring quote of the day:
"hindi ako tamad. Hindi ko lang alam kung saan ko ibubuhos kasipagan ko."
'dear te, dear te, dear te!!!'
-sigaw ni Anabel Rama kay Lorin at Veniz (mga anak ni Rofa) habang naglalaro ng tubig sa kanal.
TEACHER: okay class our lesson for today is science. What is science?
PEDRO: ako ma'am! Ako ma'am!
TEACHER: okay Pedro, what is science?
PEDRO: science is our lesson for today.
AMO: inday, paalisin mo nga yung pulubi sa labas ng bahay. (nilabas ni Inday)
INDAY: off you go! Under no circumstance this house would relent to such unabashed display of vagrant destitution!
PULUBI: oh! I'm so ashamed! Such a mansion of social climbing freaks!
(nakakuha na ng katapat si Inday!)
NOSEBLEED!!
DOC: umubo ka!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: ubo pa!
PEDRO: ho! Ho! Ho!
DOC: okay.
PEDRO: ano po ba sakit ko doc?
DOC: may ubo ka.
in a miss gay pageant:
HOST: how can we uplift our economy today even though we are under economic crisis?
BAKLA: (namutla) mga bakla! Akala ko ba miss gay ito? Quizbee pala!
1. Trulalu.
2. eklavu
3. eklavu.
4. trulalu
5. eklavu
6. trulalu
7. trulalu.
8. eklavu
9. trulalu
10. trulalu
-batang bading nagsasagot ng true or false na quiz.
MEKANIKO: sir, hindi ko po naayos preno ng kotse niyo.
CUSTOMER: ha?! Pano yan?
MEKANIKO: nilakasan ko na lang po ang inyong busina! Happy trip na lang po!
Divorced father: anak pag-uwi mo bigay mo sa nanay mo itong cheke at sabihin mo 18 yrs old ka na, huling cheke na makukuha niya for child support tapos tignan mo kung ano ang expression ng face niya.
Anak: mom, sabi ni dad bigay ko daw sayo itong cheke, last support na niya ito sakin kasi 18 na ako. Pagkatapos tignan ko daw expression ng face mo.
Mom: sa susunod na pagbisita mo sa kanya paki sabi salamat sa suporta kahit di mo siya tatay! Pagkatapos tignan mo expression ng face niya!
BOY: dad, tulong naman sa assignment ko. Find the least common denominator daw.
DAD: ha? aba'y elementary pa lang ako eh hinahanap na nila yan ah! Aba'y di pa ba nila nakikita?
BOY1: nakakakawa naman lola mo.
BOY2: bakit?
BOY1: nakasabay ko kasi magsimba nung isang araw, ubo ng ubo.
Pinagtitinginan nga ng tao.
BOY2: papansin lang yun!
BOY1: bakit?
BOY2: bago kasi blouse niya!
A boss confused about his Math asked his secretary: If I give you P3M less 17%, how much would you take off?
SECRETARY: everything sir! Dress, bra, panty!
TEACHER: mga bata, alam niyo ba na ang bawat butil ng palay ay galing sa dugo't pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA: eeewwww!
BOY: is this your first time?
GIRL: (angrily) oo naman noh. You guys talaga. So kuleeet! Always asking me the same question. Paulit-ulit. Hmp!
Magsyota sa motel.
BF: alam mo love, ikaw ang first girl na dinala ko dito.
GF: sinungaling. Sabi nila lagi ka dito!
BF: oo, pero ikaw lang talaga ang girl!
STUDENT: ma'am, pagagalitan niyo po ba ako sa bagay na hindi ko naman ginawa?
TEACHER: natural hindi.
STUDENT: good, di ko po ginawa assignment ko!
PARI: halika sa sulok MADRE: bakit po?
PARI: sara mo pinto.
MADRE: wag po!
PARI: patayin mo ilaw!
MADRE: diyos ko po!
PARI: tamo rosary ko. Glow in the dark!
TITSER: bat ka na-late?
EDWARD: nawalan ho kasi ng 500 yung lalaki.
TITSER: tinulungan mo siyang maghanap?
EDWARD: hindi po, tinapakan ko lang hanggang umalis siya.
Sa kasalan PARI: sana ang donation mo ay katumbas ng ganda ng pakakasalan mo.
GROOM: eto P5, father.
Tinignan ng pari ang bride.
PARI: eto P4 sukli mo iho.
Sabi nung friend ko, nakakalaki daw ng tiyan ang beer. Kasi noon minsan nalasing siya, nabuntis siya!
Sinoli ni Erap ang libro sa library.
ERAP: sobrang dami ng characters wala naman storya.
LIBRARIAN: kayo pala kumuha ng telephone directory namin!
(to be continued...)
Saturday, March 8, 2008
Patawa...
Ang buhay ay parang bato, it's hard.
Better late than pregnant.
Behind the clouds are the other clouds.
It's better to cheat than to repeat!
Do unto others... then run!!!
Kapag puno na ang salop, kumuha na ng ibang salop.
Magbiro ka na sa lasing, magbiro ka na sa bagong gising, 'wag lang sa lasing na bagong gising.
When all else fails, follow instructions.
Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, lumaki sa ibang bansa.
To err is human, to errs is humans.
Ang taong nagigipit... sa bumbay kumakapit
Pag may usok...may nag-iihaw
Ang taong naglalakad nang matulin... may utang.
No guts, no glory... no ID, no entry.
Birds of the same feather that prays together... stays together.
Kapag may sinuksok at walang madukot, may nandukot.
Walang matigas na tinapay sa gutom na tao.
Ang taong di marunong lumingon sa kanyang pinanggalingan .... ay may stiff neck.
Birds of the same feather make a good feather duster.
Kapag may tiyaga, may nilaga. Kapag may taga, may tahi.
Huli man daw at magaling, undertime pa rin.
Ang naglalakad ng matulin, late na sa appointment
Matalino man ang matsing, matsing pa rin.
Better late than later....
Aanhin ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago, mabuti pa ang bahay kubo, sa paligid puno ng linga.
Kapag maikli ang kumot, tumangkad ka na!
No man is an island because time is gold.
Hindi lahat ng kumikinang ay ginto.. muta lang yan.
Kapag ang puno mabunga...mataba ang lupa!
When it rains...it floods.
Pagkahaba haba man ng prusisyon .. mauubusan din ng kandila.
Ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa vulcanizing shop.
Batu-bato sa langit, ang tamaan... sapul.
Try and try until you succeed... or else try another.
Ako ang nagsaing... iba ang kumain. Diet ako eh.
Huwag magbilang ng manok kung alaga mo ay itik.
Kapag maiksi na ang kumot, bumili ka na ng bago.
If you can't beat them, shoot them. (Nalundasan)
An apple a day is too expensive.
An apple a day makes seven apples a week. (really expensive)
Topak...
So may topak ako today, ganyan ako pag may topak, ayoko magsalita, basta tuluy tuloy trabaho ko, nakapaglaba ako, naghugas ng pinggan, pinaliguan ko aso kaya ito ako ngayon, di pa naliligo. Umalis tuloy asawa ko na nag iisa kasi ayoko sumama, ang sama ng panahon sa labas, super kapal ng snow, grabe talaga! Malapit na dapat matapos ang winter pero bakit ganito pa rin ang panahon? Nakakapagod na araw araw nalang ganito. Nagsasawa na rin ako sa topic ng usapan dito, puro nalang "how's the weather outside?" wala na bang ibang pag usapan, ang boring na nyan ha! Kung pwede ko lang i tape ang sagot. Hay, basta tamad ako paulit ulit na topic! Tama na! Palitan na!
Dumating asawa ko daming chocolates binili for me! Akala yata ganyan ako ka babaw, chocolates lang pala makapagpangiti sa akin, hehe! In fairness ha, di naman ako galit sa kahit kanino e, basta tahimik lang ako today pero wag ka, ito binuhos ko naman dito sa blog ko. In fact, wala sa plano ko today ang mag create ng blog although matagal ko na naisip ito. O, sori sa pagbabasa sa aking blah blah blah! Sige na nga, iwan ko na kayo kasi liligo pa ako para naman gumaan gaan itong nararamdaman ko, baka libag lang ito kaya medyo mabigat, hehe!
Finally! Ito na mga kaibigan....!
Anyway, itong blog na ito ay para sa personal ko lang na gamit, di gaya nong tatlo kong blogs na ginagamit ko para kumita! Yes Virginia! Para kumita ng pera, meaning binabayaran ako doon sa pagsulat ng posts na hindi personal ha. Pero ito, paano naman ito papasa sa get-paid-sites e, ang gusto ng mga yan English daw para maintindihan ng buong mundo! Matuk mo yan? Makakarating kaya sa buong mundo e karamihan ng posts ko wala ngang nagbabasa e, wahhhhh! Oki lang! As long as they pay me, no problema!
Sabi ng asawa ko kaya daw ako gumawa ng another blog para daw pag tripan ko sya ng di nya naiintindihan, lol! Praning talaga asawa ko! Wala lang.... gusto ko lang talaga! Tingnan ko kung makakatagal ito, pag di tumagal, e di isara, problema ba yon? O sya, sana dalawin nyo ako dito paminsan minsan at tayo ay mag chikahan sa sariling wika - puwede ding bisaya, ilokano or halu halo, kahit ano basta magka intindihan. Yong di makaka intindi, problema na nya yon, lol! Ang sama ko no? Kidding aside (inglis yan ha!), welcome ang lahat dito at kung meron kayong gusto i post dito na tagalog or bisaya joke, email nyo lang sa akin, okidoki?