Saturday, March 8, 2008

Topak...

Pag gising ko kanina, may topak na ako, ewan ko ba bakit. Siguro kulang lang sa himas, hehe! Imagine, pag bangon ko, di pa ako nakapunta sa CR nyan ha, at mukha pa akong ewan di mawari, buhok nakatayo pa, nag umpisa na agad akong mag linis sa higaan, nagpalit na agad ako ng bed sheets sabay punas punas sa kapaligiran kasi halos maisulat ko na pangalan ng buong angkan ko sa alikabok e! Akala ko ba walang alikabok dito sa amerika? Wag po kayong maniwala kasi kahit araw araw ka mag punas ng alikabok, ganon pa rin. Di nga lang kasing polluted sa Maynila na halos itim ng damit ko pag uwi ko sa gabi from work.

So may topak ako today, ganyan ako pag may topak, ayoko magsalita, basta tuluy tuloy trabaho ko, nakapaglaba ako, naghugas ng pinggan, pinaliguan ko aso kaya ito ako ngayon, di pa naliligo. Umalis tuloy asawa ko na nag iisa kasi ayoko sumama, ang sama ng panahon sa labas, super kapal ng snow, grabe talaga! Malapit na dapat matapos ang winter pero bakit ganito pa rin ang panahon? Nakakapagod na araw araw nalang ganito. Nagsasawa na rin ako sa topic ng usapan dito, puro nalang "how's the weather outside?" wala na bang ibang pag usapan, ang boring na nyan ha! Kung pwede ko lang i tape ang sagot. Hay, basta tamad ako paulit ulit na topic! Tama na! Palitan na!

Dumating asawa ko daming chocolates binili for me! Akala yata ganyan ako ka babaw, chocolates lang pala makapagpangiti sa akin, hehe! In fairness ha, di naman ako galit sa kahit kanino e, basta tahimik lang ako today pero wag ka, ito binuhos ko naman dito sa blog ko. In fact, wala sa plano ko today ang mag create ng blog although matagal ko na naisip ito. O, sori sa pagbabasa sa aking blah blah blah! Sige na nga, iwan ko na kayo kasi liligo pa ako para naman gumaan gaan itong nararamdaman ko, baka libag lang ito kaya medyo mabigat, hehe!

No comments: