Saturday, March 22, 2008

Joke for the Day

(courtesy of Jane)

REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect, ano na po ang next step ninyo?
POLICE: DNA na...
REPORTER: Sir, ano po yung DNA?
POLICE: "Di Namin Alam."*

MAN 1: Away kami ni misis, nag-Historical siya.
MAN 2: Pare, baka ang ibig mong sabihin ay nag-Hysterical.
MAN 1: Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!"

Naglalakad ang mag-ama, nakakita ng eroplano.
ANAK: 'Tay! Krus! Ang laking krus!
TATAY (Binatukan ang anak): Nakita mo nang krus eh! Lumuhod tayo!"

BOY: 'Nay! Muntik na ako maging top one sa klase!
NANAY: Ba't mo naman nasabi?
BOY: Ini-announce kasi kanina 'yung top one sa klase. Ang tinuro ni Ma'am yung katabi ko. Muntik na ako!

Bush visited the Philippines and Erap acted as his translator.
BUSH: Let's help one another.
ERAP: Tayo'y magtulungan.
BUSH: Let's strive together.
ERAP: Tayo'y magsikap.
BUSH: Because in union there is strength.
ERAP: Dahil sa sibuyas may titigas!

BONGBONG: Pare, sinong idol mo?
CHAVIT: Si Arnold Schwarzenegger.
BONGBONG: Sige nga, spell Schwarzenegger.
CHAVIT: Joke lang, pare, si Jet Li talaga idol ko.

HOLDUPER: Pili ka, wallet mo o pasabugin ko utak mo?
BIKTIMA: Ikaw na bahala, basta pareho po 'yan walang laman!

Sa isang mumurahing airline.
STEWARDESS: Sir, would you like some dinner?
PASSENGER: Ano ba ang mga choices?
STEWARDESS: 'Yes' or 'No' lang po.

TEACHER: Anong similarity nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy Aquino at Apolinario Mabini?
STUDENT: Ma'am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay pinanganak ng holiday!

ERAP: Soli ko 'tong nabili kong DVD.
FPJ: Anong problema?
ERAP: Walang picture, 'tsaka sound. Sayang, suspense thriller pa yata to.Tsk, tsk...
FPJ: Anong title?
ERAP: The Lens Cleaner.

PROMDI: 'Lam ko promdi lang ako kaya 'wag mo kong lolokohin! Bakit ganito ang kwarto ko? Maliit, wala pang kama at bintana...ha? !
ROOMBOY: Sir, nasa elevator pa lang po tayo...

MRS: Bakit ngayon ka lang?
MR: Pasensha na, nagyaya ang mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe!Hik.
MRS: Lasing ka 'no?
MR: Ako, lashing? Hindi! Hik.
MRS: Anong hindi?! 'La ka namang trabaho, paano ka nagka-officemates?

JUN-JUN: Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng titser namin kanina!
INAY: Very good! Ano ba ang tanong ng titser ninyo?J
UN-JUN: Sino ang walang assignment?

TITSER: Ano ang hugis ng mundo?
JUAN: Kuwadrado po, Ma'am!
TITSER: Hindi! Ang mundo ay bilog.
JUAN: Pero Ma'am, sabi ng lolo ko, narating na niya ang APAT na sulok ng mundo. May sulok po ba ang bilog?

Boss asks sexy secretary to a dinner after overtime. Are you free tonight? The sexy secretary replies: Sir, ha...huwag naman FREE... Bibigyan na lang kita ng discount!

GIRL: Maganda ba 'ko?
BOY: Oo, kaya lang, Bumbayin ka.
GIRL: Hindi naman ako mukhang Bumbay, ah?! Tisay yata 'to!
BOY: Oo nga, pero 'yung amoy mo, Bumbayin!

ELISEO: Sobra na talaga ang katangahan ng kumare mo. Ang akala niya, ang Lawsuit ay uniporme ng pulis!
JOSHUA: Sus! Tanga nga! Eh di ba, uniporme ng abugado yun?!

HOST: Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
TANDA: Pwede ho bang manawagan?
HOST: Ilang taon na po kayo?
TANDA: 98 anyos na po ako.
HOST: Wow! Ang tanda nyo na pala! O sige po, manawagan na kayo.
TANDA: Itay, umuwi na kayo! Hindi na nagagalit si Lolo sa inyo!

Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, sinabi ng pari patungkol sa namatay, ...."An honest man, a good man, a family man," etc.Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, "Pakisilip nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!"


Sa isang ospital.
LOLA (may cancer): Doc, anong gagawin 'nyo sa akin?
DOC: Che-chemo, Lola.
LOLA: Titi mo rin! Bastos ka! Walang modo!

No comments: