Saturday, March 8, 2008

Finally! Ito na mga kaibigan....!

Matagal ko nang gustong magkaroon ng blog where i can express my feelings, emotions at kung anu ano pang naiisip kong sabihin in my own dialect which is bisaya or tagalog or taglish kaya. Pagud na pagod na ako sa kaka inglis, sumasakit na panga ko, kaya maganda rin itong di ko na iisipin kung tama ba inglis ko or not. Kaya lang, mahirap pala mag type sa tagalog or bisaya, sus nalang! Ano ba ito, di maintindihan ano? Well, ganyan talaga ang buhay parang life, hehe!

Anyway, itong blog na ito ay para sa personal ko lang na gamit, di gaya nong tatlo kong blogs na ginagamit ko para kumita! Yes Virginia! Para kumita ng pera, meaning binabayaran ako doon sa pagsulat ng posts na hindi personal ha. Pero ito, paano naman ito papasa sa get-paid-sites e, ang gusto ng mga yan English daw para maintindihan ng buong mundo! Matuk mo yan? Makakarating kaya sa buong mundo e karamihan ng posts ko wala ngang nagbabasa e, wahhhhh! Oki lang! As long as they pay me, no problema!

Sabi ng asawa ko kaya daw ako gumawa ng another blog para daw pag tripan ko sya ng di nya naiintindihan, lol! Praning talaga asawa ko! Wala lang.... gusto ko lang talaga! Tingnan ko kung makakatagal ito, pag di tumagal, e di isara, problema ba yon? O sya, sana dalawin nyo ako dito paminsan minsan at tayo ay mag chikahan sa sariling wika - puwede ding bisaya, ilokano or halu halo, kahit ano basta magka intindihan. Yong di makaka intindi, problema na nya yon, lol! Ang sama ko no? Kidding aside (inglis yan ha!), welcome ang lahat dito at kung meron kayong gusto i post dito na tagalog or bisaya joke, email nyo lang sa akin, okidoki?

3 comments:

RedLan said...

hahaha. baw bag o naman ni? lantawon ta kung kaintindi ka. diutay guro. hahaha

welcome back to pinas mrs t!

Tess said...

dah ambot lang Red kung mag tagal ito, lantawon ta lang. Salamat sa pagbisita!

Anonymous said...

Budlay budlay gid kay gabinuang ta:)